Tuesday, April 12, 2011

ASK LOVE AND LIFE: Kelan mo nalamang maganda o gwapo ka?

Ngaun na lang muling nabuklat ang usapan tungkol sa “scar” na meron ako. Kung kilala mo ako malamang ndi mo na itatanong kung ano at saang scar ang tinutukoy ko. Malamang nga kahit mga taong ndi nakakikilala saken eh agad naman maituturo ang tinutukoy ko. Sa buwan na to dalawang beses muling nabanggit o napagusapan ang scar ko. Una ay nang may nagbanggit na isa kong kaopisina na ang kelangan ko nalang baguhin sa mukha ko ay ang scar ko(Disclaimer: Sa iyo, ndi ako nasaktan nang sinabe mo na un ha?kelangan lang masabe ditto para maintindihan ng mga mambabasa ko.haha) At pangalawa, ay ngaung araw na ito, nang biglang magkaron ng usapang “kelan mo nalamang maganda/gwapo ka?”

Huli akong sumagot ng tanong na un, siguro dahil sa ako ang nasa dulo ng pagkakasunod sunod ng upo, o dahil sa hirap lang siguro silang itanong saken un. Pero anuman ang dahilan, wala pa man saken ang tanong alam ko na agad ang isasagot ko.

Ngaun ngaun ko lang nalaman na maganda ako. (sabay tawa) ang naisagot ko. Pero totoong ito ang naramdaman ko. Kasi nito ko lang talga natanggap o pinaniwalaan na “maganda” ako. (disclaimer ulit: sa konteksto at depinisyon ko yan ha?)

Bakit? Maliban sa mas madameng maganda talagang babae sa mundo ay ang natatanging dahilan lamang naman ay dahil nga sa may scar ako sa ilong. Kahit sino naman eh magsasabeng kasiraan sa pisikal na anyo ang mga scars. Bakit naman magaabala ang mga siyentipiko, cosmetologists, at mga make up artist na gumawa ng paraan para itago ang mga scars kung hindi nga ito kasiraan diba. At un naman din talga ang aking paniniwala.

Matagal na akong kinain ng insecurities ko dahil sa scar na ito. Ito din marahil ang isang dahilan kung bakit nagsikap ako sa pag aaral. Na kahit paano ay ginustong kong maging maalam o matalino o masipag para kahit anuman ang itsura ko ay mailalaban ko naman ang utak ko. Sabe nga kung ndi pwede lahat pwede naman isa lang ang meron ako.

Nang mapagusapan un, nagbalik ang lahat ng ala alang nagpatunay na nasira ang ganda ko dahil sa scar ko.

Case in point #1: Grade school. Tinawag akong Dodong. Bakit? Kasi may pelikula nuon na ang title ay Dodong Scarface. May scar kasi sa may pisngi un. Alam mo na kung bakit un ang tawag saken diba?

Case in point #2: Mga Bagong Tao. Lahat ng bagong taong makilala ko na mas matanda sa akin eh lageng nagtatanong kung anong nangyare saken. Pag naipaliwanag ko na ang lahat, ang tanging reaksyon na sasabihin nila ay “sayang, maganda ka pa naman sana”. Sa isip isip ko, “So ndi pala ako maganda ngaun?”

Case in point #3. Maganda ang bestfriend ko since highschool. Kelangan ko pa bang ipaliwanag yan?

Case in point #4. College. May ilang mga taong ginawang tampulan ng katatawanan ang scar ko, pero nakaharap naman ako. Hindi nila sinasadya un, mga loko lang talaga sila.:) May nagsabeng akala daw nya eh bakat lang sa pagkakatulog ko, ang ilan naman eh baka daw kasi nagpanose lift ako.

Yan na muna ang mga examples na sasabihin ko sa iyo. Ilan lamang yan sa mga bagay bagay na nagpatunay saken na ndi ako maganda. Pero wag mong isipin na wala kong ginawa para subukang alisin ito, kasi meron.

Habang tumatanda akong kinakain ng natatago kong insecurities eh isa lamang ang napagsasabihan ko nito. Ang aking journal. Sa huling pahina nun, nakasulat kung gano ako kagalit sa sarili ko dahil sa scar na meron ako, na kung sana wala ito sana normal ako, sana maganda ako…

Nabasa un malamang ng nanay ko kaya biglaan isang araw sinabe nyang ipaayos na daw namen ang scar ko. Hindi ko man siya naisip eh ndi ko itatangging natuwa ako sa posibilidad na maging normal o sa usaping ito maganda.

Dalawang attempts. Una sa isang salamat po, dok na doctor. Sinabi nya sa pinakarude manner na alam nya na wala na akong magagawa at lagyan ko nalang daw ng concealer. Lumabas ako ng clinic nyang akala ko ayos lang ako, pero nung tanungin na ako ng ate ko, ndi ako nakasagot kasi parang isang kandilang pinatay ang nakita kong pagasa.

Pangalawa, sa Belo Medical group, sabe kasi nila kaya nila lahat, pero nagkamali ako, sinabeng ndi na daw mababago dahil sa maaring madeform lang ang ilong ko kung susubukan pa itong gawin. Mas napansin pa nila ang mga problema sa muka ng nanay ko kesa sa inilapit naming problema sa kanila.

Kaya ndi mo masasabeng wala akong ginawa para mabago ang pangit kong mukha. Nakakalungkot man, pero mamamatay na akong meron nito.

Dito naisip ko na kung sinuman ang taong kaya akong tanggapin na may scar ay tunay kong kaibigan. Nakakagulat man pero ang mga kaibigan ko ngaung matalik eh sa pgkakaalala ko ay never nagtanong kung ano ang nangyare dito.

Ganun din naman sa buhay pagibig. Ndi naman ako ung taong naliligawan ng sandamakmak na lalake, ndi ako ang crush ng bayan na tipo ng tao, ndi ako pansinin. Kaya madalas noon naisip kong kung hindi man ako meant na magka asawa eh handa naman akong magampon. Naisip ko din na kung sinuman ang lalakeng kaya akong tanggapin, mahalin at pakasalan ng may ganito ay maaring tunay na pag ibig na nga ang nararamdaman para saken.

Hindi naman nawala ang mga insecurities ko sa scar ko. Araw araw ay isang reminder ito nang kakulitan ko at kahinaan ko bilang tao. Pero ndi ako nagpapatalo, dahil may mas marami akong magandang aspeto kesa sa scar na meron ako.

Thankful ako dahil ndi ako tigyawatin, na hind ako bungal, na kumpleto pa din ang mata ko, na ndi ako deformed tulad ng iba. Mas madaling dalhin ang kakulangan (kung kakulangan mang matatatawag) ang meron ako kesa sa ibang taong nagbibitbit ng mas mahirap na problema kesa saken. Ndi naman naging kabawasan ito para sa aken. Meron sigurong mga oportunidad na di ko pwedeng gawin tulad ng maging model, magkabillboard, maging flight attendant, atbp.hehe. Pero mas marame pa din ang oportunidad na ginawa, ginagawa at gagawin ko.

Marahil marameng taong nagiisip na napakafeeling ko kasi ina-assume kong maganda ako. Ndi naman ata masama un. Sabe nga nila Love your Own. Kung ndi ko kayang tignan ang sarili ko sa salamin na meron nitong scar na ito, sino pa ang makakatanggap saken. Ndi din naman ako naging paralisado sa mga pwede kong gawin bilang tao. Pareho pa din naman, ang kinaibahan lang, pag namatay ako nang walang ID eh madali akong ma iidentify. Dahil sa mundong ito ilan lang ba ang may scar sa ilong? Trademark kumbaga.


So kung matatanong man akong muli ng ganitong klaseng tanong, eh alam ko parin ang isasagot ko. Oo maganda ako, pero ngaun ko lang ito lubusang natanggap sa sarili ko. Kontrahin man ako ng iba e paniniwalaan ko pa din ito.


Ikaw, kelan mo nalamang maganda/gwapo ka?:)

3 comments:

Temi said...

naalala ko tuloy kung paano ko nalaman na may scar ka. nagulat talaga ko nun kasi parang sa akin eh ano naman, sabi mo lang baka kasi magulat ako. anyway, matagal ko nang alam na maganda ako at ikaw din. pandak lang (ako). haha maganda ka naman talaga ah, may sense pang kausap. mabuhay ka joei! keep smilin! :)

KC said...

si soleil ba nagsabi nung about sa "bakat lang ng pagtulog" ?

anyway, naalala ko may nagsabi sakin nung elementary ako na hindi naman daw ako kagandahan. pero kung tingin ko daw sa sarili ko maganda ako, wala naman daw magagawa yung ibang tao. siguro nga. kasi takot lang nila haha

maganda ka jojay. ikaw ang isa sa kaunting pinakamagandang tao na nakilala ko. alam mo yan :)

aylabyu pre, pakiss nga! ;p

emem said...

ehhmm ate same na ilong dn ang problem ko,pero ok lng kc ito ang bigay ni god!alm ko noon pa na maganda ako hehe..anu man ang sbhin nla wala akong paki! lagi nilang snsabi kng matangos ilong mo maganda kn sna..matangos o pango MAGANDA TALAGA ako.heehehe confidence ang nkakapgdala sa kgndhan ko..

ate,Maganda ka! alm ko,kht d p kita nkkita..mhilig ako mgbasa ng mga blog! :) ingat ka plgi ate, GOD bless u & ur family