Sunday, April 22, 2012

ASL LOVE AND LIFE: Friend zone 101




Hindi ito ang unang blog ko tungkol sa friend zone, may nauna na pero hanggang ngayon eh nakasulat pa din siya sa papel at hindi ko pa maitype. Naisulat ko ito dahil sa isang kakatapos lang nameng usapan ng isang kaibigan. Siguro nga at medyo uso na ang friend zone na konsepto kaya medyo madame na rin ang nakakagamit. Pero anu nga ba ang rules of engagement ng Friend zone? So ito ang ilan sa tingin kong ettiquette pagdating sa friendzone.


Kung ikaw ang nang friend zone:

1.       Siguraduhin ang nararamdaman.  Hindi naman masama ang itry mo, sumama ka sa dates, etc. para masabi mo na binigyan mo siya ng chance para makilala. Pero madalas kasi pag walang spark o kuryente sa una palang na pagkikita eh wala talaga. Kaya nga importanteng siguraduhin mong walang kuryente bago ka magdecide na pang friend zone siya/
2.       If that’s your final answer then make it clear. Sabihin mo dun sa tao na wala kang nararamdaman para sa kanya. Para malinaw sa inyong dalawa.
3.       Don’t offer friendship. Ang opinion ko ditto eh may pagka selfish siya. Magooffer ka ng friendship when you know that the other person feels something for you that’s more than friendship. Sabe nga ng kaibigan ko, ang pagoffer ng friendship ay pagtanggal ng guilt feeling. Na alam mo kasing nasaktan yung tao so the least you can do is give him/her friendship.
4.       Be consistent. Pag sinabi mong friend zone, FRIENDZONE!. Ibig sabihin nun wag mong gagawin ung gagawin mo sa mga taong gusto mo. Gusto meaning you are considering a person to be in a relationship. Anu ba ung mga activities na un? Magtext buong araw na may kasamang kumain ka na ba? Kamusta ka? Good morning,, good evening good night sweet dreams, etc. Nakakagulo ng utak ang mga ganung Gawain. Di mo malaman kung friendzone na ba talaga o pakipot lang. KAwawa ung tao pag ganun.
5.       Don’t invest time. Kasama nang pagiging consistent and pagkeep ng distance between you and the other person. Ang taong may gusto sayo mag bibigay ng time makachat, makasama, Makita ka lang. hindi man ikaw ang nagiinvest ng time eh malamang ung isang tao ung nagiinvest sayo. In the end wala din pala.
6.       Keep distance amigo. Distance will help the person move of from you. Kahit pa sabihing hindi nagging kayo eh nagkaron sya ng feelings for you. Pag sinabeng keep distance dapat wala din munang communication. Kasi kung ndi ka nga nya nakikita pero nakakausap ka naman nya ganun din yun. Wala rin ung distance if there is communication.
7.       Be fair. Kung wala ka talagang nararamdaman, maging patas ka naman. In short, wag kang pafall. Don’t be nice to the person kung ndi mo naman kayang ibigay sa kanya ang gusto nya. Bigyan mo siya ng pagkakataong makalimutan ang nararamdaman nya para sayo at hayaang makakita ng ibang para sakanya.


Kung ikaw naman ang nafriend zone, ilang tips lang para sayo:
1.       Grieve. Ramdamin mo ang sakit na nafriendzone ka. Masakit naman talaga ung ganun noh. Realidad yun, don’t deny, aminin sa sarili na nasaktan ka. Sabe nga sa Tuesday with Morrie, Feel the emotions, but after you feel it, stop and move on from it.
2.       Then, move on. Proseso ang pagmomove on, ndi magiging madali pero ganun ang buhay. Ndi naman lahat ng gusto mo magkakagusto sayo, pero ndi ibig sabihin eh hindi ka na pwedeng magustuhan.
3.       Huwag magpilit. Madalas pag nafriend zone ka na, eh ibig sabihin FRIEND ka nya LANG talaga. Walang kahit na anong romantic feeling o kuryenteng nararamdaman ung tao para sayo. So kahit ioffer mo pa ang sarili mo sakanya walang epek un kasi FRIEND nga eh.
4.       Be fair. Huwag ilabas ang galit sa taong ndi ka talaga kayang mahalin. Ganun talaga eh, ndi mali ang nararamdaman mo tulad ng ndi rin mali ang nararamdaman nya. So maging patas ka din.
5.       Huwag munang manghingi ng friendship. Bakit? Kasi ndi mo pa kaya yan, mahal mo nga eh, pinapantasya mo ngang maging kayo tapos kakaibiganin mo. Lahat ng bagay na gagawin nya eh may ibig sabihin sayo, pero sakanya wala. Kaya nga ba, bigyan mo din ng space ang sarili mo. Huwag kang humingi ng ndi mo kakayanin. Ang pagkakaibigan darating kung talagang meant.
6.       Magpaganda o magpagwapo. Hindi para magsisi siya nan di ka nya pinili pero para sa sarili mo. When you feel good about yourself it will show and people will feel it. The love you give yourself makes other people feel that love.
7.       Everyone has a paired heart. Sabe nga kung talagang itinalaga ka na magpakasal eh mangyayare un. Hindi sa panahon mo kundi sa panahon ng Diyos.



Ang rule lang naman talaga ata eh respeto. Respeto sa nararamdaman ninyong dalawa. Ndi man pareho ndi man magkatugma pero un ang katotohanan. MAhirap ipilit ang nararamdaman, mas mahirap kung papasok sa relasyong ndi naman makatotohanan. In the end, two or more hearts will break kung ndi naten kayang respetuhin ang isat isa.

11 comments:

KC said...

LOL. kasama ba sa delikadesa sa "respeto" ??

Anonymous said...

hahaha ayos to ah! :) halos lahat ng points ay tama at totoo sa buhay. pwede bang maging friends uli ang taong nafriend at nangfriend zone? paano ko malalaman na nakamove on na rin sya?

Anonymous said...

first time ko dito sa blog na to and i want to say na very informative yung mga topics. people can easily relate kasi it's happening in real life.

but amongst the topics mentioned, this is my fave... especially now na kakafriend zone lang sakin... hayst!

thanks and way to go jho!

Magicspaceship said...

tingin ko pwede pa maging friends pero kelangan ng time. saka depende kung parehong side eh naiintindihan na friends talaga. kasi minsan depende din sa intensyon eh, mamaya ung nangfriend zone gusto ulit maging friends dun sa isa kasi gusto nya lang ng affirmation na may magkagusto skanya. mahirap naman un dun sa isang may feelings.:)

sana may names kayo, hirap pag lage anonymous.hehe

Magicspaceship said...

hahah!:) trending topic ang friend zone eh.

thanks for reading my random thoughts!:)

sa susunod ulit!

Magicspaceship said...

kasama un kesi syempre diba?:)

Anonymous said...

Pwede ba kita iadd sa facebook? :)

Magicspaceship said...

pwede naman pero sino ka ba?:) hehe

Anonymous said...

=) hindi kita ma-add pala dahil sa settings mo yata. Wala ka bang fan page? hahaha si temi lang to.. thank you ma'am!

Magicspaceship said...

anyeh. jho anna name ko sa fb.

Anonymous said...

nakita na kita pero wala sa settings mo na pwede kita i-add.