Thursday, April 07, 2011

ASK LOVE AND LIFE:Totoo pala

Minsan naalala ko sa isang prayer session dito sa office, may nagkwento na lahat daw ng gusto nya ay isinusulat nya sa FB status nya, at surprisingly ay nagkakatotoo sila. Nung una ndi ako ganon kabenta sa ideya, kasi ndi ko din naman personalidad na maglagay ng mga bagay bagay na gusto ko out in the open for everyone to see.

Pero ngayon ko napapansin na maaring may katotohanan nga ang mga bagay na ito, kasi ngayon taon na ito, lahat halos ng gusto ko, na materyal na bagay eh nakukuha ko. Ang galing talaga, minsan palang akong nagsulat nun sa bulletin board ko sa kwarto. Hindi man lahat ng ito ay nagkakatotoo pero tingin ko unti unti nang ibinibigay ng mundo ang mga kahilingan ko.

Nagbalik saken ang libro ni Paolo Coelho na The Alchemist. Sabe dun, "whole universe will conspire to help you" parang ganun. tingin ko ganun na nga ata talaga. Ansaya lang.

Maliban sa sayang nararamdaman ko eh ang pagpapasalamat sa lahat ng ito.:) more to come please.:)

4 comments:

temi said...

nice! :) temi likes this. aprub! siguro kasi pag sinulat mo tulad ng ginagawa natin, naseset ang mind natin sa target kaya nagkakatotoo..

purpleinsomniac said...

hmmm...anu kaya ang mga bagay na ito?
ganunpaman, masaya ako para sa iyo...sana parte ako ng universe :D

-=jo=- said...

temi! onga sabe kasi mas maganda pag nakbroadcast pero ndi naman lage.. ung sa sarili lang pero nasa papel.. parang reminder kasi.

-=jo=- said...

andame dameng bagay lani. sunod sunod. at oo KASAMA KA sa Universe na un:) naman!!:)