Ang tagal ko na din na hindi nakasulat sa
blog nato. Siguro kasi nalihis ang inspirasyon ko sa pagbloblog nang maging
nanay ako. Pero madalas namimiss ko ang magsulat sa tagalog lalo na yung
magsulat sa tonong nakikipagkwentuhan lang ako.
Namiss ko din sumulat ng may hugot. Naisip
ko nga nung isang araw na baka kaya ndi na ako makasulat eh dahil sa wala na
akong mahugot. Anung ibig kong sabihin?
Hugot. Yung pinanggagalingan ng mga
isusulat o sinusulat. Dati kasi andali sa akin sumulat lalo na’t may hugot
akong inis, asar, or pinakamadami sa lahat yung broken hearted-emo-past time
drama ko nung kabataan ako.
Narealize ko tuloy na ang dali palang
humugot pag may pinagdadaanan ka. Pag may kumukurot sa damdamin mo, kapag meron
kang ndi masabi sa tao or kapag may nasabi ka na sa tao pero hindi ka nya
nagets.
So anung hugot ko ngayon? Hindi naman sa hinihiling kong may pagdaanan ako. Sabi ko nga sa kaibigan ko na napakabait sa akin ng taong 2014, wala akong major na pinagdadaanan. Walang malaking problema. Generally and genuinely happy ako this year. In short, walang hugot.
Kaya naisip ko siguro pwede naman na kahit
walang malungkot, walang problema, walang drama eh pwede parin yun maging hugot
ng kwento o ng blog. Kung may nakakarelate sakin sa drama sh*t ko malamang
meron din naman sa happy trip ko tama?
Eh anu ngayon gusto ko sabihin? Gusto ko
lang bumalik sa pagsusulat. Yung kahit walang nakakabasa. Kahit wala akong
traffic sa site ko, ayos lang. basta maisulat ko lang mga pinagdadaanan kong
masaya naman. Pero asahan nyong may lungkot or drama pa din akong isusulat.
Mahilig ako sa drama eh, hindi lang halata. So malamang sa malamang ang mga
isusulat ko ay may HUGOT.
No comments:
Post a Comment