Hindi ito ang unang blog ko tungkol sa friend zone, may nauna na pero hanggang ngayon eh nakasulat pa din siya sa papel at hindi ko pa maitype. Naisulat ko ito dahil sa isang kakatapos lang nameng usapan ng isang kaibigan. Siguro nga at medyo uso na ang friend zone na konsepto kaya medyo madame na rin ang nakakagamit. Pero anu nga ba ang rules of engagement ng Friend zone? So ito ang ilan sa tingin kong ettiquette pagdating sa friendzone.
Kung ikaw ang nang friend zone:
1.
Siguraduhin ang nararamdaman. Hindi naman masama ang itry mo, sumama ka sa
dates, etc. para masabi mo na binigyan mo siya ng chance para makilala. Pero madalas
kasi pag walang spark o kuryente sa una palang na pagkikita eh wala talaga. Kaya
nga importanteng siguraduhin mong walang kuryente bago ka magdecide na pang
friend zone siya/
2.
If that’s your final answer then make it clear. Sabihin
mo dun sa tao na wala kang nararamdaman para sa kanya. Para malinaw sa inyong
dalawa.
3.
Don’t offer friendship. Ang opinion ko ditto eh
may pagka selfish siya. Magooffer ka ng friendship when you know that the other
person feels something for you that’s more than friendship. Sabe nga ng
kaibigan ko, ang pagoffer ng friendship ay pagtanggal ng guilt feeling. Na alam
mo kasing nasaktan yung tao so the least you can do is give him/her friendship.
4.
Be consistent. Pag sinabi mong friend zone,
FRIENDZONE!. Ibig sabihin nun wag mong gagawin ung gagawin mo sa mga taong
gusto mo. Gusto meaning you are considering a person to be in a relationship.
Anu ba ung mga activities na un? Magtext buong araw na may kasamang kumain ka
na ba? Kamusta ka? Good morning,, good evening good night sweet dreams, etc.
Nakakagulo ng utak ang mga ganung Gawain. Di mo malaman kung friendzone na ba
talaga o pakipot lang. KAwawa ung tao pag ganun.
5.
Don’t invest time. Kasama nang pagiging
consistent and pagkeep ng distance between you and the other person. Ang taong
may gusto sayo mag bibigay ng time makachat, makasama, Makita ka lang. hindi
man ikaw ang nagiinvest ng time eh malamang ung isang tao ung nagiinvest sayo.
In the end wala din pala.
6.
Keep distance amigo. Distance will help the
person move of from you. Kahit pa sabihing hindi nagging kayo eh nagkaron sya
ng feelings for you. Pag sinabeng keep distance dapat wala din munang
communication. Kasi kung ndi ka nga nya nakikita pero nakakausap ka naman nya
ganun din yun. Wala rin ung distance if there is communication.
7.
Be fair. Kung wala ka talagang nararamdaman,
maging patas ka naman. In short, wag kang pafall. Don’t be nice to the person
kung ndi mo naman kayang ibigay sa kanya ang gusto nya. Bigyan mo siya ng
pagkakataong makalimutan ang nararamdaman nya para sayo at hayaang makakita ng
ibang para sakanya.
Kung ikaw naman ang nafriend zone,
ilang tips lang para sayo:
1.
Grieve. Ramdamin mo ang sakit na nafriendzone
ka. Masakit naman talaga ung ganun noh. Realidad yun, don’t deny, aminin sa
sarili na nasaktan ka. Sabe nga sa Tuesday with Morrie, Feel the emotions, but
after you feel it, stop and move on from it.
2.
Then, move on. Proseso ang pagmomove on, ndi magiging
madali pero ganun ang buhay. Ndi naman lahat ng gusto mo magkakagusto sayo,
pero ndi ibig sabihin eh hindi ka na pwedeng magustuhan.
3.
Huwag magpilit. Madalas pag nafriend zone ka na,
eh ibig sabihin FRIEND ka nya LANG talaga. Walang kahit na anong romantic
feeling o kuryenteng nararamdaman ung tao para sayo. So kahit ioffer mo pa ang
sarili mo sakanya walang epek un kasi FRIEND nga eh.
4.
Be fair. Huwag ilabas ang galit sa taong ndi ka
talaga kayang mahalin. Ganun talaga eh, ndi mali ang nararamdaman mo tulad ng
ndi rin mali ang nararamdaman nya. So maging patas ka din.
5.
Huwag munang manghingi ng friendship. Bakit? Kasi
ndi mo pa kaya yan, mahal mo nga eh, pinapantasya mo ngang maging kayo tapos
kakaibiganin mo. Lahat ng bagay na gagawin nya eh may ibig sabihin sayo, pero
sakanya wala. Kaya nga ba, bigyan mo din ng space ang sarili mo. Huwag kang
humingi ng ndi mo kakayanin. Ang pagkakaibigan darating kung talagang meant.
6.
Magpaganda o magpagwapo. Hindi para magsisi siya
nan di ka nya pinili pero para sa sarili mo. When you feel good about yourself
it will show and people will feel it. The love you give yourself makes other
people feel that love.
7.
Everyone has a paired heart. Sabe nga kung
talagang itinalaga ka na magpakasal eh mangyayare un. Hindi sa panahon mo kundi
sa panahon ng Diyos.
Ang rule lang naman talaga ata eh respeto. Respeto sa
nararamdaman ninyong dalawa. Ndi man pareho ndi man magkatugma pero un ang
katotohanan. MAhirap ipilit ang nararamdaman, mas mahirap kung papasok sa
relasyong ndi naman makatotohanan. In the end, two or more hearts will break kung
ndi naten kayang respetuhin ang isat isa.