Saturday, May 07, 2005

ayoko na

ayoko.. 5 letrang nangangahulugang tama na.. give up na.. ayaw na..
kabaligtaran ng gusto
kakambal na ata ng lungkot
pwedeng may kasamang galit.poot, sawa o simpleng fed up ka na..


kung bibilangin mo kung ilang beses ko na naisulat ang salitang “ayoko na” sa journal ko malamang lalagpas na sa mga kamay ng benteng tao. Iba’t ibang sitwasyon pero madalas nasasabi ko un.. minsan ayoko na mag aral, may mga pagkakataon namang ayoko nang mabuhay, may mga panahong gusto mo nang sumuko sa pag ibig.. (ang keso nito masyado…) pero OO totoo, madalas ayoko na sa nararamdaman ko.. tulad nalang ngaun.. gusto mo na sumuko kasi alam mo na wala nang patutunguhan… parang pilitan nalang.. ganun.. wag nateng igeneralize ang lahat ng nakasulat dito sa pag ibig lang ha.. korni un pag ganun.. di naman ako eksperto sa pagibig kaya di ako mangangaral..

ayoko na.. ayoko na kasi nakakatamad na.. nauubos na ung pasensya ko.. bakit kamo? Wala lang kasi pagod nako.. ganun kasimple.. siguro naman naramdaman mo na un diba? Ung pakiramdam na di ka na masaya, na parang tapos na dapat pero anjan ka pa rin nakabitin..

Una akong umayaw sa isang bagay na di ko na kayang patagalin pa.. kumbaga sa pagkain, nasuya na ako. Un bang sa sobrang tagal mo nang kumakain ng chocolate, halos inaraw araw mo na tapos isang araw habang kumakain ka, hindi ka na nageenjoy kasi nakakasawa na ung lasa, parang ganun na nga..

May inayawan ako noon kasi ayoko ng pagbabago, malapit na kasi mawasak ung pagkatao ko na matagal ko bago nabuo, umayaw ako dahil hindi na tugma sa prinsipyo ko ang mga bagay na nasa paligid ko, lumiliit na kasi tingin ko sa mga pangarap ko..pati sa sarili ko..

Ngaun sa oras nato, ayoko na.. ayoko na sa kabatuhan, ayoko na manood ng tv, ayoko ng init, at ayoko na magantay..

Saan?….

Sa isang bagay na wala..

Antagal kc dumating eh..

Antagal eh..

No comments: