Monday, November 10, 2014

ASK LOVE AND LIFE:#Hugot

Ang tagal ko na din na hindi nakasulat sa blog nato. Siguro kasi nalihis ang inspirasyon ko sa pagbloblog nang maging nanay ako. Pero madalas namimiss ko ang magsulat sa tagalog lalo na yung magsulat sa tonong nakikipagkwentuhan lang ako.
Namiss ko din sumulat ng may hugot. Naisip ko nga nung isang araw na baka kaya ndi na ako makasulat eh dahil sa wala na akong mahugot. Anung ibig kong sabihin?
Hugot. Yung pinanggagalingan ng mga isusulat o sinusulat. Dati kasi andali sa akin sumulat lalo na’t may hugot akong inis, asar, or pinakamadami sa lahat yung broken hearted-emo-past time drama ko nung kabataan ako.
Narealize ko tuloy na ang dali palang humugot pag may pinagdadaanan ka. Pag may kumukurot sa damdamin mo, kapag meron kang ndi masabi sa tao or kapag may nasabi ka na sa tao pero hindi ka nya nagets.

So anung hugot ko ngayon? Hindi naman sa hinihiling kong may pagdaanan ako. Sabi ko nga sa kaibigan ko na napakabait sa akin ng taong 2014, wala akong major na pinagdadaanan. Walang malaking problema. Generally and genuinely happy ako this year. In short, walang hugot.

Kaya naisip ko siguro pwede naman na kahit walang malungkot, walang problema, walang drama eh pwede parin yun maging hugot ng kwento o ng blog. Kung may nakakarelate sakin sa drama sh*t ko malamang meron din naman sa happy trip ko tama?

Eh anu ngayon gusto ko sabihin? Gusto ko lang bumalik sa pagsusulat. Yung kahit walang nakakabasa. Kahit wala akong traffic sa site ko, ayos lang. basta maisulat ko lang mga pinagdadaanan kong masaya naman. Pero asahan nyong may lungkot or drama pa din akong isusulat. Mahilig ako sa drama eh, hindi lang halata. So malamang sa malamang ang mga isusulat ko ay may HUGOT. 

Tuesday, February 04, 2014

ANYTHING UNDER THE SUN:Reality Check

Minsan sa dami ng gusto kong gawin sa buhay hindi ko na alam kung saan ba talaga ako lulugar at kung saan talaga ako mahusay. Para mas maintindihan mo, ito ang mga gusto ko sanang mangyare sa buhay ko.

Hindi ito by order, kung ano lang ang nasa isip ko yun ang sinusulat ko, so eto na nga.

Number 1, Maging Hair and Make up artist. Or mas maging Make up artist nalang. Hindi kasama yung hair kasi di ko talaga makaya magayos ng buhok ng iba ng maayos. Madalas, nagdadalawang isip ako. Iniisip kong andami dami nang gumagawa nun, madaming mas magaling, madaming mas bata. Sinasabe ko din na hindi talaga ako magaling sa sales talk, kaya nga ba hindi naman alam ng maraming tao na nagmamake up ako. Nagaral ako, pro pa nga eh, at masaya ako habang nagaaral. Nakakaaliw. Feeling ko I can excel on this field. Mukhang kaya ko ata to. Pero unti unti lumalabo, unti unti nawawala ako..

Number 2, gusto kong maging blogger, yung medyo sikat na blogger, tulad ng mga nababasa ko. gusto ko kumita dito. parang extra income while doing something you love. Kaso, tuwing mya chance akong makapunta sa isang blogger event, hindi ako nakapunta. Kasi may mas mahalaga akong responsibilidad at yung ang maging nanay. Ngayon, unti unti nawawala na naman ang hilig ko sa pagbloblog. hindi ko kasi malaman kung saan ako, kung anong isusulat ko, kung anong content ang worth basahin ng mga netizens. Syempre hindi naman pwedeng puro buhay o thoughts ko lang, who would be interested to read about that diba? so unti unti lumalabo, unti unti nawawala ako

Number 3, gusto kong maging businesswoman. Actually madame na akong pinasok, marami pa din ang eexist ngayon, pero walang tumatagal, walang yumayabong. Minsan meron, minsan wala. Hindi ko alam kung paano papaunlaring kasi lagi akong may excuse na hindi ko kaya. Hindi ako magaling sa sales. Nahihiya ako. So unti unti lumalabo, unti unti nawawala ako

Kung nabasa mong maigi sasabihin mo malamang na eh wala naman pala akong ginawa na pinaghusayan ko. Wala akong ginawang tinutukan ko. Kahit nga yung masters ko na ilang taon ko na kinukuha hanggang ngayon eh hindi ko pa natatapos. Akala ko noon kaya kong gawin anuman anh isipin o gustuhin ko. Pag ginagawa ko yung gusto ko nararamdaman ko na parang magaling naman ako, pero dumarating ung araw o panahon na sasabihin ko malabo, mawawala din ito.

Andito na naman ako sa emo state ko. Sa mga araw na siguro kelangan ko nalang igive up ung mga bagay na hindi posible tulad ng tatlong inilista ko sa taas. Minsan kasi mas mahirap maabot ang mga gusto pag hindi mo maramdaman may mga taong sumusuporta o naniniwala sayo. Lalong mas mahirap kung ikaw mismo sa sarili mo ay ndi naniniwala sa kakayahan mo.

Matanda na ako, hanggang ngayon hindi ko pa din masabi kung saan ako magaling, kung saan ako mahusay. Hanggang ngayon marami akong gustong gawin na hanggan umpisa lang naman.

Pero nagpapasalamat pa din ako na andito ako sa sitwasyong alam kong may isang bagay akong pwedeng gawin na magiging mahusay ako. Ang pagiging INA. Hindi man ako maging make up artist, blogger, o businesswoman, alam ko na magiging worth ang buhay ko dahil may anak ako.

Hindi ito drama, reality check lang.