Thursday, March 31, 2005

Happy Meal: Ang Alamat Part I

isang gabe pauwi na kame ng mga kaibigan ko ng maisipan namen kumain sa McDonalds

apat kame nun...

nauna silang tatlo bumili...

cge sasave ko tong upuan naten...

medyo matagal ata sila ah..

antay lang..

antay pa...

antay pa rin?....

ahahahah.. ayan na sya.. pwede nako bumili.. yahoo..

eto na pipila nako..

hmmm.. ano kayang makain..

ang mahal naman ng bilihin dito...

ayun nalng McChicken Nuggets Meal.. pwede na yan..

ako na susunod..

"one Chicken Nuggets Meal please..."

"Nuggets Meal? 4 or 6 pieces?"

"4 pieces only.."

yahoo.. malapit nako kumain...

"that would be 3 dollars"

bakit kaya 3 dollars lang nakalagay dun 5 ah...hmmm..

mukhang di ata to meal..

hay.. bayaan na nga..

teka bat walang tray..

bat may paper bag..

sabe ko dine in eh.. talaga naman oh..

patay tayo jan....

balik na nga lang ako sa upuan...

"O?Bat nagtake out ka?"

"Di ako nagtake out"

" Eh anu yan?"

"Happy meal. May kasama pang laruan..."


Moral of the Story: Hanapin ang mukhang bata...

Wednesday, March 30, 2005

Shabs

Shabs: salitang ugat ay shabu
: pinaganda lang para masarap pakinggan

Malamang iniisip mo ngayon yung shabu na sinasabi ko ay ung bawal na gamot na illegal na binebenta at ginagamit halos sa buong mundo. Pero dyan ka nagkamali, kasi ang shabs na tinutukoy ko ay isang tao..(oo, tama ang nabasa mo, tao nga!) Marahil nagulat ka noh? pero totoo yan, isa sya sa mga espesyal kong kaibigan. may pagka shabu din ang epekto nya saken, shabs kung tawagin namen ang isa't isa. Nagumpisa ang lahat sa text, nagkakwentuhan, nagkasabihan ng ibat ibang opinyon at gusto sa buhay. Mula sa paboritong prutas hanggang sa pinakapinapangarap sa buhay. Minsan nya ding binaggit na para daw akong shabu dahil nakakaadik daw ako.. siguro nga para sa kanya..dahil daw sa mga kakaibang usapan at kwentuhan namin. SIYA ANG KAUNA UNAHANG TAONG NAGSABI SAKEN NUN.. at hindi ko maitatangging nasiyahan ako nun.

Sa totoo lang marami na syang nagawang bagay sa buhay ko ng hindi nya nalalaman.. Siya ung taong alam kong tatanggapin ako ng buong buo kahit magkamali pa ako..Siya ung nagpakilala sa totoo at mas mabuting ako.. pinakita din nya saken ang ibat' ibang kaya kong gawin sa buhay.. minsan di ko na nga napapansings maganda na pala ung ngawa ko pero lage syang anjan para ipaalam saken un..Siya ung nagpapahlaga sa mga ginagawa ko at binabahagi nya ang sarili nya sa buhay ko. Pinapakita nya din saken ang mas makulay na mundo at masayang buhay. Siguro mas marami pang bagay ang naitulong nya sa pagiging ako.. sa pagiging tao. Masaya akong andyan sya at tanging hinahangad ko lang ay ang maging masaya sya..

Miss na kita shabs...

kahit na may pagkabitter masarap pa rin mainlove...

syempre pwede ba mawala na di ka masay pag in love ka diba? una, may taong nagpapsaya sayo simplen text lang nya hanep parang mapapatalon ka na sa tuwa.. may tao kang pedeng makausap sa telepono kahit anong oras tapos may magugudnyt sayo sa pinakamatamis nyang boses. anjan din na alam mo pag may nangaway sayo eh aawayin nya din para sayo. tapos meron din time na high ka kasi in love ka sakanya. minsan parang kulang ang isang araw na magkasama kayo kasi ayaw mo na sanang matapos un.. may mga panahong masaya ka dahil masaya ka walang hinihinging paliwanag.. minsan di na kayang ipaliwanag ng salitang mahal kita ang nararamdaman mo para sakanya.. hay.. tapos may mga feeling na you and i against the world talaga walang makakahadlang walang rules walang expectations lahat pure love.. ayos diba!!!! ganyan talaga pag mahal.. Ü

Tuesday, March 29, 2005

Masarap minsan magbitter bitteran

bakit pag may love ka di mo naman malaman kung mahal ka nga.. paparamdam sayo special ka tapos di ka na bigla tetext o di naman kaya wala namang interes sa mga gusto at di mo gusto. bakit may ibang tao na pag wala na kayo taena eh parang walang nangyare.. un bang babalewalain ka na parang hangin ka lang na dumating sa buhay nya. bakit kaya may ibang taong di kaya ipaglaban ung pagmamahal nila sayo. sabe mahal ka pero meron namang iba. bakit kaya ganun? minsan naman pag gusto mo na talaga at nasa relasyon na kayo biglang parang fed up ka na. bakit pag mahal mo na ung tao kelangan pang manghingi ng karapatan? minsan naman di mo na maintindihan sarili mo kung mahal mo ba talaga ung isang tao o pinipilit mo lang syang mahalin. bakit may mgagagong ex na nagiiwan sa ere na parang walang future... bakit madalas babae ang nangangapa kung ano talaga sila sa buhay nung mahal nila. hirap naman na wala kang say kasi hindi nman kayo. hay bakit ganun parang sa larong love olats ako.. Ü bitter bitteran talaga...