marami nang artikulong nasulat tungkol sa tagong pagibig...
lalo na sa pagibig na di pwedeng sabihin.marami mang nasulat wala namang solusyon. kasi minsan di mo masabi kung mahal na nga ba ang nararamdaman mo o nililito ka lang ng kalungkutan..
may nagkomento saken nung magtanong ako kung bakit ganun ung isang babae sa lalaking kausap nya? madikit, bungisngis at parang lageng masaya pag kasama nya un. sabe saken, "kasi binigibyan sya ng atensyon kaya ganun nalang siya kapag kasama ung lalaki." so, pwede na nateng i-equate ung love sa attention ganun ba?
o icpn na mahal mo na cia o ang isiping mahal ka din nya kasi nabigyan ka ng atensyon...
oo, di naman masamang mangarap, di din masamang ngumiti ng walang dahilan (kahit na alam mong siya talga ang dahilan), di din masamang masaktan pag nakita mo siyang may kasamang iba, di masama hanggat di ka nagsasalita, hanggat di ka kumikibo at hanggat kaya mong magpretend na ok ka at wala naman siyang halaga sayo.
un na ata ung isa sa masakit na pwedeng scenario, masayang masaya siya, unmindful of your existence, kung anjan ka ok lang, kung wala eh di wala, di ka hahanapin!
di ka na nga napapansin kahit anjan ka, tapos kayang kaya ka pa nyang kalimutan basta basta
ang tanong ngaun bakit hindi mo masabe? o hindi sabihin? dahil ba sa duwag ka? o dahil sa ayaw mong icpn kung anong mangyayare kapag sinabi mo? o dahil komplikado? o dahil ayaw mo ng magulo?
o di naman kaya ayaw mong mawala ang kaisa isang source ng kasiyahan mo? o ayaw mong mgising sa katotohanan na sira ulo ka sa kakaisip sa kanya? in short, DUWAG ka nga!
duwag ka kcng sabihin, duwag ka ding hindi sabihin
duwag ka din na tanggapin na may nararamdaman ka o wala kang nararamdaman...
wala rin naman kcng tamang sagot...
kasi kahit ikaw di mo rin alam ang sagot!!!
tapos sasabihin mo: "DUwag na kung duwag, mas gugustuhin kong andyan siya kahit malayo kesa naman mawala siya at matutunan na akong kalimutan"
hay, ansaket sa hart!, nagpapakamartyr epek ka sa taong di naman alam ang nararamdaman mo,
para sa kanya ung isang kain sa labas wala lang pero para sayo pinakamasayng kain mo na un, na ung simpleng dampi ng kamay nya sa kamay mo forever mo nang maaalala samanatalang di man lang nyang naalalang ngkahawak kayo ng kamay, na magbigay ka lang ng tissue sa kanya eh nakakakilig na sayo pero sakanya simpleng paghingi lang un...
hay, anghirap nun. sayo magandang alaala saknya wala lang.
pero, icipn mo hindi nga kaya nya alam o nagbubulagbulagan lang siya dahil ayaw niyang magassume na mhal mo nga cia,
kasi isa rin pala siyang duwag.
duwag na magkamali at mapahiya sayo..
so ang gagawin mo magleletgo ka kasi unfair naman sayo un na paran kang tangang nagmamahal sa taong di nga alam na anjan ka...
at siya.. iisipin nyang wala ka ngang naramdaman para saknya..
tapos.. lilpas ang araw, buwan at taon.
sinasabe mo sa sarili mong nakapagmove on ka na,
un din naman ang pinipilit mong paniwalaan..
kaso nagkita kayo ulit...
would you take the chance to say what you feel?
o magpapakaduwag ka nalng sa pangalawang pagkakataon?
1 comment:
sapol!
Post a Comment