Wednesday, May 30, 2007

The Jellyfish Experience

Wednesday, May 23, 2007
Huling Hirit sa Tag Init
Palm Beach Resort
San Juan, Batangas
NSTP Planning Workshop.

Minsan pag may gusto kang makuha o maabot gagawin mo ang lahat basta makuha mo lang un. ------> Yan ang natutunan ko isang umaga ng May 23, 2007.



Obviously, nasa beach kame nun at dahil sa alam kong huling hirit ko na un bago magbagyo eh nag sige na ako sa pagswimming kahit napakaitim ko na. Ang usapan namen nun ni Iris sa pampang lang kame pero the site of the little floating house in the middle of the ocean was very tempting. So, ako etong nagmamagaling eh nagstruggle papunta sa maliit na bahay na yun. Marame akong pinagdaanan, may masakit sa paang bato sa ilalim ng dagat, malalim na parte na hindi ko na abot, malalake at madudulas na bato na kelangan kong daanan para makalapit sa bahay na un. Nung una natakot ako kasi parang sobrang lalim at layo na namen sa pampang pero sabe ni sir Allan saken, " Kung hindi ka magri-risk, anong mangyayre sayo?" Dahil dun lumakas ang loob ko at alam ko din naman na andun sila para sumaklolo saken.

So nagpursigi pa rinkame hanggang sa marating namen ung malalim na parte ng dagat. natakot ako pero mas kinabahan si Sir Allan saken, kasi HINDI PALA SIYA MARUNONG MAGSWIMMING. Akalain mong antapang tapang nya pero di naman pala siya marunong.. kaya naman mas naging malakas ang loob ko kasi marunong naman ako. So Ayun na, nagswim ako at sa wakas nakarating sa maliit na bahay na yun. Dali dali akong umakyat kasi nakakatakot baka makagat ako ng dikya.

Ansaya ko nun, parang malaking challenge un para saken kasi nagawang kong mapuntahan un ng wlang gamit na bangka o anuman, sariling sikap lang talaga. Pagdating namen dun sa bahay, andaming isdang makikita at napaka satisfying ng feeling dahil maganda ang view. Ang masaya pa dun nakuha ko ung gusto ko nakarating ako sa bahay....

Kelangan na namen bumalik kasi sabe nila Iris 10:55Am na daw at kelangan na namen magayos.. so, isa isa nang bumaba sa bahay at naglakbay pabalik sa pampang...

katulad ng pagpunta dun, kinabahan at natakot din ako sa pwedeng mangyare saken, kasi marameng threats, andun na malalim, bak hindi ko kayanin lumangoy, may dikya o anumang lamang tubig ang kumagat saken, at kung anu anu pang kapraningan.. pero sabe ko bahala na, alanganamang magpasaklolo ako dun diba, nakaya kong puntahan dapt kayanin ko din na bumalik..

so, dahil nagmamagaling na naman ako, nagdive epek pa ako at ayun nag breast stroke ako, pag angat ko ulit naramdaman ko na ung hapdi at sakit.. wala akong makapitan o maapkan dahil malalim ang tubig at wla namang bato na pwede kong hawakn, wala ding gutter kasi hindi naman un swimming pool...

pinilit kong hindi indahin ang saket kaso hindi ko tlaga kinaya.. kaya ang nangyare.. c manong driver lang ang nandun at skanya lang ako pwede kumapit kaya humawak agad ako saknya at sinabing najellyfish nga ako. Ayaw pa nila ako paniwalaan nun kaya ako na mismo ang nagtanggal ng tentacles ng jellyfish habang nakapikit ako.. nung una, parang sabe ko kaya ko to, hindi ako iiyak at mararating ko din ang pampang..


kaya sinubukan ko ulit lumangoy, pero i couldnt handle the pain anymore, lumapit na ako kay LEvi at humawak, sabe ko hindi ko na kaya lumangoy mahapdi at masakit na talga.. Sabe nya cge, hawak ka lang.. dun na ko talgang naiyak at nagfreak out. Naramdaman ko na pati sa muka at likod at braso, buong leeg ko nadali ng jellyfish...

Sabe lang ni sir paul, cge lang kaya mo yan..

pero nagiiyak na tlaga ko nun...

Malapit na din kasi ang pasukan kaya nakakhiya pag pumasok ako ng mga jellyfish sa fes..

so inakay nila ako papunta sa pampang. doon nagiintay si iris habang sumisigaw ng picture..

syempre nakakahiya so nakatalikod lang ako dahil namumula talaga ang fes and leeg ko. Hindi pa rin alam ng mga tao sa pampang nun na injured nako.. kaya din ayaw ko humarap, ayokong makita nila na nasaktan ako.. Nasaktan ako dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo ko..

Pero syempre hindi ko pwedeng forever itago, nalaman din nila at imbes na sisihin nila ko eh tinulungan pa nila ako...


Nilagyan lahat ng parte ng nasaktan saken ng buhangin un kasi sabe ni manong driver na laking dagat, so nilagyan naman,,,

Hindi ko na din magawang umiyak kasi lahat sila nagtatawa, wala na rin namang magagwa ang iyak ko kaya dinaan ko nalang din sa tawa, naki ride on ako.. nagpalagay ng buhangin at napansin ko namang unti unting nawawala ung hapdi...

pero hindi siya nawala ng tuluyan, naramdaman kong parang kulang pa din un g solusyon, parang dapat may iba pa akong gawin.. kung kaya naman pinainom ako ni sir paul ng anti histamine at pinainom ng carbonated water ni Sir cocoi.. Sabe nila makakatulong daw un...

Hanggang sa dumating si kuya na mainstay ng resort sabe nya kelangan lagyan ng suka para gumaling kaya andun ang trusted friend kong si iris para lagyan.. DI nya inida ang amoy, andun siya para suportahan ako. Instantly, naging PAKSIW ako..

PAnget man at mabaho ang naging solusyon talagang nagsubside ung pamumula.. so nakaligo at nakabihis na din ako...


Hindi pa rin dun natapos ung epekto ng jellyfish nangngati naman ito at mejo mahapdi pa din.. At dahil din s auminom ako ng anti histamine naantok at nakatulog ako...

Hanggang paguwi ko sa bhay mahapdi at makati pa din, at nung kinwento ko un sa nanay ko syempre nakarinig din naman ako ng sermon pero nagbigay parin siya ng pwede kong panlunas.

After ilang araw at linggo naging ok na ulit ang lahat. wala nang bakas na najellyfish ako.. lahat sa memory ko nalang...


Pero di lang sa kwento nagtatapos ang lahat, syempre meron akong natutunan......




(to be continued)

No comments: