“What does it mean to be crazy?”
“ Anyone who lives in her own world is crazy. Like schizophrenics, psychopaths, maniacs. I mean people who are different from others.”
“ On the other hand, you have Einstein, saying that there was no time or space, just a combination of the two. Or Columbus insisting that on the other side of the world lay not an abyss but a continent. Or Edmund Hillary, convinced that a man could reach the top of Everest. Or the Beatles, who created an entirely different sort of music and dressed like people from another time. Those people and thousands of others-all lived in their own world.”
Ang mga katagang ito ay matatagpuan sa libro ni Paulo Coelho na Veronika Decides to Die. Asa mental hospital ung tauhan nito at may kausap syang “mental patient”. (di ko na ikwekwento kung ano ung summary ng nobela ha) kung iisipin parang hindi sa isang “sira ulo” nanggaling ang mga salitang ito di ba? ‘Coz it all makes sense. Lahat ng taong binanggit nya dun may pagkakaparepareho.. hindi lang ung parepareho silang sikat kundi lahat sila eh hinushagahan ng taong “crazy”. Ibat ibang larangan pero isa ang nais ipahiwatig, oo, may pagkasiraulo nga sila. Pero hindi bat lahat naman un eh napanindigan nila at ngaun isa na sila sa mga taong nirerespeto sa kani kanilang field of expertise.
Sa madaling salita lahat ng tao may kanya kanyang “craziness”. Habang binabasa ko nga un eh narealize kong totoo ito sa buhay ko. Ako man ay may sariling sira sa ulo, sariling mundo, pero hindi ako autistic ha.. hehehe… sariling mundo kung saan malaya ako, kung saan pwede ko gawin kung anuman nais ko, kung saan pwede akong maging ako. Pwede lahat kasi walang manghuhusga, walang mananakit, walang makikialam. Hindi lang sa sarili kong mundo ito nararanasan kasi ang mundong yun minsan nageextend sa mga kapatid, pamilya, kaibigan at mahal ko sa buhay. At ung “craziness” na un merong magandang kinakalabasan. Minsan ung craziness na tinatawag ko eh nakukuha ko din sa mga taong kapareho ko ang sira sa ulo.ibig sabihin nagkakaintindihan dahil parepareho ang wavelength ng sira namen sa turnilyo, at ang pagkakaparepareho na un ang naguugnay samen palapit sa isa’t isa. Subalit, hindi maiiwasang may makakasalamuha kang iba ang sira ng ulo.. ito ung sinasabing di pagkakaintindihan, di naman kasi lahat ng sira sa ulo isa lang ang pinaggagalingan eh. At dahil dito nabubuo ang salitang “respeto”, kelangan nateng tanggapin na hindi lahat tayo ay may iisng wavelength sa utak, pwedeng ung sayo extreme pwedeng kanya ung extreme. And only in respect, can we nutheads co-exist.” Basta kanya kanyang trip at kanya kanyang mundo.
Para sa mga kaibigan kong kapareho ko nga sira sa tuktok, maraming salamat at mabuhay ang mga sira ulo ng tulad naten:
KC – ang promotor
Goks – ang kanyang nobyo
Ayi – ang laftrip partner ko
Soky – ang ever kalokang former dean ng COD (Corps of Drug addicts)
Arvin – ang nagladlad na mother
Nikki – the epitome of kaartehanJ
Rod – ang sosyal na mother
Jammy – ang lalakeng ayaw uminom..weh?di nga?
Temi – ang kaspectrum ko
Paolo – my oasis….
2 comments:
pare, ang ganda... proud ba dapat ako dahil ako ang promotor? pero dahil sa kasiraan ng ulo natin, lalong nagiging makulay ang ating pagsasamahan. dba noh? gs2 ko ng libro na nabasa mo... pahiram, kakainin ko. ahahahaha
unang beses nabasa ko naiyak ako d ko lam bakit. nangilid lang pala luha ko..
anggaling mo. ..sana mapaGaling mo din ako. maysakit ksi ko e..
Post a Comment