Tuesday, May 24, 2005

Siya lang kasi ang MAGALING

Siya lang ang kasi MAGALING

Panong nakalipad ung eroplano sa langit…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING..
Panong nakakalutang ang barko sa karagatan..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Paano nagkakulay ang mundo…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Paano nakakasend ng mga text sa ibat ibang cellphone..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Paano naisip ang magbuo ng daan, tulay at eskinita?
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nanggaling ang mga letra, at salita?.
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nanggaling ang mga ibon at isda at iba pang mga halaman..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nagpupunta ang araw paglumulubog ito
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nagsimula ang internet at mga gadgets
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nagpupunta ang tao pag namatay….
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit pumapatak ang luha..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit nakapikit pagnatutulog…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit tumatanda…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit kelangan ng egg cell ni sperm cell..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit gagawin pa kung mali pala..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit nagtitiis kung naghihirap…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit madameng tanong na walang kasagutan…
SIYA LANG ANG MAKASASAGOT..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING..

*kilala mo na ba?

A Light form Veronika

“What does it mean to be crazy?”

“ Anyone who lives in her own world is crazy. Like schizophrenics, psychopaths, maniacs. I mean people who are different from others.”

“ On the other hand, you have Einstein, saying that there was no time or space, just a combination of the two. Or Columbus insisting that on the other side of the world lay not an abyss but a continent. Or Edmund Hillary, convinced that a man could reach the top of Everest. Or the Beatles, who created an entirely different sort of music and dressed like people from another time. Those people and thousands of others-all lived in their own world.”

Ang mga katagang ito ay matatagpuan sa libro ni Paulo Coelho na Veronika Decides to Die. Asa mental hospital ung tauhan nito at may kausap syang “mental patient”. (di ko na ikwekwento kung ano ung summary ng nobela ha) kung iisipin parang hindi sa isang “sira ulo” nanggaling ang mga salitang ito di ba? ‘Coz it all makes sense. Lahat ng taong binanggit nya dun may pagkakaparepareho.. hindi lang ung parepareho silang sikat kundi lahat sila eh hinushagahan ng taong “crazy”. Ibat ibang larangan pero isa ang nais ipahiwatig, oo, may pagkasiraulo nga sila. Pero hindi bat lahat naman un eh napanindigan nila at ngaun isa na sila sa mga taong nirerespeto sa kani kanilang field of expertise.

Sa madaling salita lahat ng tao may kanya kanyang “craziness”. Habang binabasa ko nga un eh narealize kong totoo ito sa buhay ko. Ako man ay may sariling sira sa ulo, sariling mundo, pero hindi ako autistic ha.. hehehe… sariling mundo kung saan malaya ako, kung saan pwede ko gawin kung anuman nais ko, kung saan pwede akong maging ako. Pwede lahat kasi walang manghuhusga, walang mananakit, walang makikialam. Hindi lang sa sarili kong mundo ito nararanasan kasi ang mundong yun minsan nageextend sa mga kapatid, pamilya, kaibigan at mahal ko sa buhay. At ung “craziness” na un merong magandang kinakalabasan. Minsan ung craziness na tinatawag ko eh nakukuha ko din sa mga taong kapareho ko ang sira sa ulo.ibig sabihin nagkakaintindihan dahil parepareho ang wavelength ng sira namen sa turnilyo, at ang pagkakaparepareho na un ang naguugnay samen palapit sa isa’t isa. Subalit, hindi maiiwasang may makakasalamuha kang iba ang sira ng ulo.. ito ung sinasabing di pagkakaintindihan, di naman kasi lahat ng sira sa ulo isa lang ang pinaggagalingan eh. At dahil dito nabubuo ang salitang “respeto”, kelangan nateng tanggapin na hindi lahat tayo ay may iisng wavelength sa utak, pwedeng ung sayo extreme pwedeng kanya ung extreme. And only in respect, can we nutheads co-exist.” Basta kanya kanyang trip at kanya kanyang mundo.

Para sa mga kaibigan kong kapareho ko nga sira sa tuktok, maraming salamat at mabuhay ang mga sira ulo ng tulad naten:
KC – ang promotor
Goks – ang kanyang nobyo
Ayi – ang laftrip partner ko
Soky – ang ever kalokang former dean ng COD (Corps of Drug addicts)
Arvin – ang nagladlad na mother
Nikki – the epitome of kaartehanJ
Rod – ang sosyal na mother
Jammy – ang lalakeng ayaw uminom..weh?di nga?
Temi – ang kaspectrum ko
Paolo – my oasis….

Trip to National Bookstore

Pumunta ako kanina sa NBS.. nagtataka ka kung anu un? Simple lang.. NATIONAL BOOKSTORE!!

Dumaan lang ako para tumingin ng libro at mga art materials.. andameng libro.. una kong nakita ung mga libro ni Bob Ong. Andun na ung bago.. kinuha ko bibilin ko na kasi eh. Tapos umikot pa ako. Andameng libro andame kong gusto bilhin kaso ang mahal eh. Wala akong pambili..

Naalala ko nung bata pa ko, pumupunta din kame ni mama sa national, binibili namen ung isang buong koleskyon ng mga libro. Puro fairy tale lang un, nakumpleto ko un lahat. Trip naman ng ate ko nun mga sweet valley na paperback, madame din kame nun. Paguwi sa bahay susulatan namen ng mga date un tapos isususlat namen sa notebook ung mga title. Tapos ididisplay na namen sa eskaparate.. Andame na nameng libro date, tapos tuwing bakasyon nagbabasa kame ng ate ko. Asteeg!

Kaso nung nagpaayos kame ng bahay, in-evacuate ung mga libro kasama nung eskaparate.. tapos tinapon ni papa ung mga libro.. Badtrip.. Sayang sana binigay nlang sa mahirap. Wala nang magagawa eh. Puro panghihinyang.. sayang kasi eh.. Simula nun nawala ung gana ko sa pagbabasa kasi wala na kameng libro eh.. at isa pa anjan na ang media.. puro telebisyon na lang kasi mas maganda kasi ang mga kwento dun, iba iba pa kada oras.. mas masaya un eh.. Pero kung sa TV nawala ang gana kong magbasa, sa TV ko din naibalik ang gana ko sa pagbabasa.

Isang gabe nanonood kame ng Gilmore Girls. Tungkol un sa mag nanay na parang magkapatid. Si Rory matalinong bata anak sya ni Lorelai. Mahilig sya magbasa at lage syang may hinihiram na libro sa library. Astig. Naalala ko tuloy nung elementary ako, Most Frequent Borrower ako sa eskwela. Naisip ko masarap magbasa.. ibang klaseng “high” ang dulot nun eh kaya simula nun bumalik ang hilig ko sa pagbabasa. Una kong binasa ung The Alchemist hanggang sa humaba na ang pila ng libro gusto kong basahin.

Kaya ngaung gabe pagkagaling ko sa NBS, nangarap akong magtayo ng sarili ko library paglake ko, at dapat lahat ng laman nun nabasa ko.. andame ko nang librong nakapila ngaun ata madame pa akong gustong mabasa.. pero dapat hinay hinay lang..

Yan ang epekto ng National Bookstore saken. Nagawa ko pang magreminisce diba!!!
NBS Rocks!!!!

Tuesday, May 10, 2005

Shark o Dolphin

Shark o dolphin


“Anong kakainin mo shark o dolphin?”

Naitanong ko ito minsan nang nagkakasarapan ang inuman..

kala ng lahat lasing lang ako kaya ko natanong un..

hindi ako lasing nun.. asa diwa pa ko..

nagtataka ang lahat kung bakit ko natanong un? Kasi asa beach kame nun eh.. make sense naman diba?

Ako nalang tuloy sumagot sa tanong ko..

Syempre shark kakainin ko sabe ko kasi ganti lang sa kanila un kasi kumakain din sila tao eh..

Bakit ung dolphin ba nangangain ng tao? Hindi diba.

So bat mo kakainin?

Shark nalng kainin mo..
Gantihan lang un eh..

Maiintindihan mo ako kung nakapanood ka na ng madameng pelikula tungkol sa mga sharks na nangangain ng tao. Aba at marami nang pinahirapang tao un ah. Isa pa, kung kumakain ka ng mdalas sa Pao Tsin maiintindihan mo ko kung bakit mas kakainin ko un eh,, bakit? Masarap eh. Syempre hindi rin magpapahuli ung mga umiinom ng squalene, kasi mas gusto talaga nilang kumain ng shark kasi iniinom nga nilang vitamins un eh, at syempre kung gusto mo at naaliw ka sa mga dolphins eh malamang na sasangayon ka saken.. Bias tong storya na to eh..J




* walang kwentang blog to… inaksaya ko lang oras mo…J

Solusyon sa Problema...IKAW

It was 1933. I had been laid off my part time job and could no longer make my contribution to the family larder. Our only income was what Mother could make by doing dressmaking for others.

Then mother was sick for a few weeks and unable to work. The electric company came out and cut off the power when we couldn’t pay the bill. Then the gas company cut off the gas. Then the water company. But the Health department made them turn the water back on for reasons of sanitation. The cupboard got very bare. Fortunately, we had a vegetable garden and were able to cook some of its produce in a campfire in the backyard.

Then one day my younger sister came tripping home from school with, “We’re supposed to bring something to school tomorrow to give to the poor.”

Mother started to blurt out, ‘I don’t know of anyone who is any poorer than we are.” When her mother, who was living with us at that time, shushed her with a hand on her arm and a frown.

“Eva,” she said, ‘If you give that child the idea that she is “Poor Folks” at her age, she will be “poor folks” for the rest of her life. There is one jar of that homemade jelly left. She can take that.”

Grandmother found some tissue paper and a little bit of pink ribbon with which she wrapped our last jar of jelly, and Sis tripped off to school the nest day proudly carrying her “gift to the poor”

And ever after, if there was a problem in the community, Sis just naturally assumed that she was supposed to be part of the solution.
-EDGAR BLEDSOE
CHICKEN SOUP FOR THE WOMEN’S SOUL

Isa ito sa magagandang kwentong kasali sa librong Chicken Soup for the Women’s soul. Agad talagang tinamaan ang puso ko pagkabasa ko dito at narelate ko agad to sa current situation ng bansa. Di naman lingid sa kaalaman ng marami na punong puno na ng problema ang Pilipinas. Madalas na may mga nagwewelga, pagtaas ng langis at bilihin, pagkawala ng trabaho, pagkakasakit ng mga kabataan, paglaganap ng droga at marami pang iba. Madalas nating sisihin ang gobyerno (guilty ako pagdating dito), madalas tayong magmarunong at sabihing “dapat kasi ganito dapat ganun”, madalas nating ituro ang ating mga kamay sa kapwa nating pilipino, minsan din idinadamay naten ang mga foreigner sa problema ng bansa.

Minsan naisip ko kung lahat lang tayo sana magtutulungan sa pagiging solusyon sa problema kesa makisawsaw pa sa rumarami nating problema, ay magkakaroon ng mas malaking pag asa ang bansa. Tulad na nga ng sinabi sa istorya na kung itatatak naten sa isip ng mga kabataan na mahirap sila, malamang nga na hanggang paglake nila ay maging ganun ang kinahinatnan ng buhay nila. Sabe nga na “No man is poor as to give nothing” di eksakto ang salita ko jan pero yan narin ug kahulugan nun. Ibig sabihin lang nun na lahat ng tao may kayang ibigay sa kapwa nya ganu man kahirap and tingin nya sa buhay nya. Itinuro saken ng mentor ko sa bolunterismo na hindi naten pwedeng ilagay ang lahat ng sisi sa mga mahihirap sa sitwasyon nila, madalas kasi sinasabe naten na kaya hindi umaasenso ay dahil tamad at walang ginawa sa buhay kundi ang magpalaki ng tyan. Sabe nya saken na ang lipunan din kasi ang naglagay sa kanya sa ganung kalagayan eh. Kaya nga andito tayong nakakaangat ng kaunti sa buhay eh para tulungan silang umangat din.

Sa madaling salita, kaya ng Pilipinas umasenso kung lahat ng tao iisiping solusyon sya sa problema. Alam kong lahat tayo ay may magagawa para sa ikaaayos ng bansa. Di naman kinakailangan pang maging isang politiko para makatulong eh, sa simpleng paraan lang makakaya natin ang lahat. Malamang sasabihin mo saken na isang malaking cliché na ang sinabi ko kaya bibigyan kita ng mga halimbawa ng pwede mong magawa: magdonate ng lumang libro sa SM, EVER o kung san mang merong donate-a-book, pag kumakain ka sa jeep kesyo kendi pa yan o lanzones itago mo sa bag mo ung basura hindi ung itatapon mo sa highway, abutan mo ng isang tshirt ung nagbobote dyaryo sa may inyo, taniman mo ng halaman ung lata ng sardinas o di naman eh ibenta mo, kung naghihintay ka ng pinakamadaling sagot eh di pairalin ang konting disiplina, sumunod ka sa mga simpleng batas sa daan at syempre konting konsiderasyon at respeto sa kapwa tao. Dagdagan mo pa ng kaunitng pagmamahal sa sarili, kapwa at bansa at sigurado akong uusad ang bansang Pilipinas. Hindi man mabilisan pero malay mo.. sa isang iglap magbago ang lahat at dahil un sa pagiging solusyon mo sa problema ng lipunan.

Itatak mo: Solusyon ka ng Pilipinas.

Monday, May 09, 2005

Basura

Umiiyak ka na naman
Langya talaga wala na bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Di ka pa ba nagsasawa

Sa pagtiyaga mo jan sa boyfriend mong tanga
Na walng ginawa kundi ang paluhain ka

Sa libo libong pagkakataon na tayo’y nagksama
Iilang ulir palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong ispin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang alam ang yong tunay na halaga..

Hindi bagong senaryo ang mga gantong kwento ng pag ibig. Pangkaraniwan na ung babaeng umiiyak dail sa boyfriend nya at anjan ang ever dependebale guy friend nya. Naglalabas sya ng sama ng loob sa guy friend nya without knowing na its hurting the guy twice as much. At ang boyfriend na iniiyakan, walang kaalam alam na nasasaktan ang so called love of his life nya. Pag nauntog ang girl saka malalaman ni boyfriend kung gano kahalaga ung girl… bat kasi kelangan pang antayin na mawala bago pahalagahan. Minsan kasi pag nasayo na ung taong mahal mo nakakalimutan mong pahalagahan kasi alam mong mahal ka din nya. Nakakalimutan mong may iba pa ding taong pwede magpahalaga sakanya. Tapos syang naibasura walang magawa kundi umiyak at magtiis dahil mahal nya ung taong nambasura sakanya.. Sabe nga ng kaibigan ko may mga pagkakataong ibabasura ka ng iba pero may mga taong pinapangarap ka din.. Umiikot lang ang mundo, kaso bat kaya kelangan pang maranasan ang ibasura.kung tutuusin kapag lahat ng tao pinapangarap ka e di hindi mo na malalaman kung anong maganda at pangit sayo, at isa pa kung hindi ka ibabasura hindi ka matututo.. sa bawat binabasura naman may pumupulot eh.. sa tuwing nangyayare un dun tayo tunay na nagiging masaya.. dahil lahat tayo basura, swerte nalang kung matagpuan mo kaagad ang kapareho mong basura.

Saturday, May 07, 2005

ayoko na

ayoko.. 5 letrang nangangahulugang tama na.. give up na.. ayaw na..
kabaligtaran ng gusto
kakambal na ata ng lungkot
pwedeng may kasamang galit.poot, sawa o simpleng fed up ka na..


kung bibilangin mo kung ilang beses ko na naisulat ang salitang “ayoko na” sa journal ko malamang lalagpas na sa mga kamay ng benteng tao. Iba’t ibang sitwasyon pero madalas nasasabi ko un.. minsan ayoko na mag aral, may mga pagkakataon namang ayoko nang mabuhay, may mga panahong gusto mo nang sumuko sa pag ibig.. (ang keso nito masyado…) pero OO totoo, madalas ayoko na sa nararamdaman ko.. tulad nalang ngaun.. gusto mo na sumuko kasi alam mo na wala nang patutunguhan… parang pilitan nalang.. ganun.. wag nateng igeneralize ang lahat ng nakasulat dito sa pag ibig lang ha.. korni un pag ganun.. di naman ako eksperto sa pagibig kaya di ako mangangaral..

ayoko na.. ayoko na kasi nakakatamad na.. nauubos na ung pasensya ko.. bakit kamo? Wala lang kasi pagod nako.. ganun kasimple.. siguro naman naramdaman mo na un diba? Ung pakiramdam na di ka na masaya, na parang tapos na dapat pero anjan ka pa rin nakabitin..

Una akong umayaw sa isang bagay na di ko na kayang patagalin pa.. kumbaga sa pagkain, nasuya na ako. Un bang sa sobrang tagal mo nang kumakain ng chocolate, halos inaraw araw mo na tapos isang araw habang kumakain ka, hindi ka na nageenjoy kasi nakakasawa na ung lasa, parang ganun na nga..

May inayawan ako noon kasi ayoko ng pagbabago, malapit na kasi mawasak ung pagkatao ko na matagal ko bago nabuo, umayaw ako dahil hindi na tugma sa prinsipyo ko ang mga bagay na nasa paligid ko, lumiliit na kasi tingin ko sa mga pangarap ko..pati sa sarili ko..

Ngaun sa oras nato, ayoko na.. ayoko na sa kabatuhan, ayoko na manood ng tv, ayoko ng init, at ayoko na magantay..

Saan?….

Sa isang bagay na wala..

Antagal kc dumating eh..

Antagal eh..

Wednesday, May 04, 2005

Partida Lang

“Wala na.. wala nakong magagawa dyan. Baka lalong lang lumala..”

Pinigil ko ang luha, pinigil ko ang aking emosyon. Nagsasalita sya pero parang wala na akong naririnig. Nakatingin ako pero wala akong nakikita.. unti unti atang dumidilim ang ilaw, ilaw nga ba o ang mundo ko? Katapusan na ba to ng mga inaasahan ko? Hanggang dito na nga lang talaga siguro.. pinilit kong maging matapang inisip ko cia……ang Diyos. Papasanin ko na ata talaga to habambuhay.. ito ang ibinigay, siguro ito ang dapat tanggapin..

Di ko maiwasan masaktan.. umasa ako.. nangarap.. inakala kong magiging maayos ang lahat.. inasahan ko ang malaking pagbabago.. pero sa mga katagang sinabi nya unti unti nyang nilusaw ang magandang pangarap ko.. unti unting dumilim ang makulay kong panaginip. Napalitan ng lungkot ang saya ng unang balita.. masakit.. akala ko magiging maganda na ang mundo ko.. wala na eh.. wala na syang magagawa.. di ko to pinilit dumating lang saken.. tinanggap ko, pinaasa ko pero bigo ako..

Bigo pero babangon…

Dinikta na ng mundo ang dapat kong pasanin..

Diyos ang nagbigay saken..

Partida lang!!!!!!