Monday, November 10, 2014

ASK LOVE AND LIFE:#Hugot

Ang tagal ko na din na hindi nakasulat sa blog nato. Siguro kasi nalihis ang inspirasyon ko sa pagbloblog nang maging nanay ako. Pero madalas namimiss ko ang magsulat sa tagalog lalo na yung magsulat sa tonong nakikipagkwentuhan lang ako.
Namiss ko din sumulat ng may hugot. Naisip ko nga nung isang araw na baka kaya ndi na ako makasulat eh dahil sa wala na akong mahugot. Anung ibig kong sabihin?
Hugot. Yung pinanggagalingan ng mga isusulat o sinusulat. Dati kasi andali sa akin sumulat lalo na’t may hugot akong inis, asar, or pinakamadami sa lahat yung broken hearted-emo-past time drama ko nung kabataan ako.
Narealize ko tuloy na ang dali palang humugot pag may pinagdadaanan ka. Pag may kumukurot sa damdamin mo, kapag meron kang ndi masabi sa tao or kapag may nasabi ka na sa tao pero hindi ka nya nagets.

So anung hugot ko ngayon? Hindi naman sa hinihiling kong may pagdaanan ako. Sabi ko nga sa kaibigan ko na napakabait sa akin ng taong 2014, wala akong major na pinagdadaanan. Walang malaking problema. Generally and genuinely happy ako this year. In short, walang hugot.

Kaya naisip ko siguro pwede naman na kahit walang malungkot, walang problema, walang drama eh pwede parin yun maging hugot ng kwento o ng blog. Kung may nakakarelate sakin sa drama sh*t ko malamang meron din naman sa happy trip ko tama?

Eh anu ngayon gusto ko sabihin? Gusto ko lang bumalik sa pagsusulat. Yung kahit walang nakakabasa. Kahit wala akong traffic sa site ko, ayos lang. basta maisulat ko lang mga pinagdadaanan kong masaya naman. Pero asahan nyong may lungkot or drama pa din akong isusulat. Mahilig ako sa drama eh, hindi lang halata. So malamang sa malamang ang mga isusulat ko ay may HUGOT. 

Tuesday, February 04, 2014

ANYTHING UNDER THE SUN:Reality Check

Minsan sa dami ng gusto kong gawin sa buhay hindi ko na alam kung saan ba talaga ako lulugar at kung saan talaga ako mahusay. Para mas maintindihan mo, ito ang mga gusto ko sanang mangyare sa buhay ko.

Hindi ito by order, kung ano lang ang nasa isip ko yun ang sinusulat ko, so eto na nga.

Number 1, Maging Hair and Make up artist. Or mas maging Make up artist nalang. Hindi kasama yung hair kasi di ko talaga makaya magayos ng buhok ng iba ng maayos. Madalas, nagdadalawang isip ako. Iniisip kong andami dami nang gumagawa nun, madaming mas magaling, madaming mas bata. Sinasabe ko din na hindi talaga ako magaling sa sales talk, kaya nga ba hindi naman alam ng maraming tao na nagmamake up ako. Nagaral ako, pro pa nga eh, at masaya ako habang nagaaral. Nakakaaliw. Feeling ko I can excel on this field. Mukhang kaya ko ata to. Pero unti unti lumalabo, unti unti nawawala ako..

Number 2, gusto kong maging blogger, yung medyo sikat na blogger, tulad ng mga nababasa ko. gusto ko kumita dito. parang extra income while doing something you love. Kaso, tuwing mya chance akong makapunta sa isang blogger event, hindi ako nakapunta. Kasi may mas mahalaga akong responsibilidad at yung ang maging nanay. Ngayon, unti unti nawawala na naman ang hilig ko sa pagbloblog. hindi ko kasi malaman kung saan ako, kung anong isusulat ko, kung anong content ang worth basahin ng mga netizens. Syempre hindi naman pwedeng puro buhay o thoughts ko lang, who would be interested to read about that diba? so unti unti lumalabo, unti unti nawawala ako

Number 3, gusto kong maging businesswoman. Actually madame na akong pinasok, marami pa din ang eexist ngayon, pero walang tumatagal, walang yumayabong. Minsan meron, minsan wala. Hindi ko alam kung paano papaunlaring kasi lagi akong may excuse na hindi ko kaya. Hindi ako magaling sa sales. Nahihiya ako. So unti unti lumalabo, unti unti nawawala ako

Kung nabasa mong maigi sasabihin mo malamang na eh wala naman pala akong ginawa na pinaghusayan ko. Wala akong ginawang tinutukan ko. Kahit nga yung masters ko na ilang taon ko na kinukuha hanggang ngayon eh hindi ko pa natatapos. Akala ko noon kaya kong gawin anuman anh isipin o gustuhin ko. Pag ginagawa ko yung gusto ko nararamdaman ko na parang magaling naman ako, pero dumarating ung araw o panahon na sasabihin ko malabo, mawawala din ito.

Andito na naman ako sa emo state ko. Sa mga araw na siguro kelangan ko nalang igive up ung mga bagay na hindi posible tulad ng tatlong inilista ko sa taas. Minsan kasi mas mahirap maabot ang mga gusto pag hindi mo maramdaman may mga taong sumusuporta o naniniwala sayo. Lalong mas mahirap kung ikaw mismo sa sarili mo ay ndi naniniwala sa kakayahan mo.

Matanda na ako, hanggang ngayon hindi ko pa din masabi kung saan ako magaling, kung saan ako mahusay. Hanggang ngayon marami akong gustong gawin na hanggan umpisa lang naman.

Pero nagpapasalamat pa din ako na andito ako sa sitwasyong alam kong may isang bagay akong pwedeng gawin na magiging mahusay ako. Ang pagiging INA. Hindi man ako maging make up artist, blogger, o businesswoman, alam ko na magiging worth ang buhay ko dahil may anak ako.

Hindi ito drama, reality check lang.

Tuesday, April 30, 2013

ANYTHING UNDER THE SUN: Tales of a Commuter Ep.1

Politics and friendship
847am jam liner
otw to batngas

Ang pakikipagkaibigan parang panganagmpanya ng mga pulitiko. Naisip ko lang na marami pala siyang pagkakahalintulad. Di ko alam kung dala ba ito ng pagkabato ko sa biyahe o likhang pinapalalim ko lang ang mga bagay bagay. Pero eto na din naman ako kaya itutuloy tuloy ko na ito.

Una, ang mga bagong kakilala parang mga tumtakbong pulitiko. May maingay, may madalas mog makita, may pasimple, at meron din namang di mo maramdaman pero alam mong andyan.

Pangalawa, may mga kaibigan na kilala mo kaya kampante ka sa kanilang ugali, kung sa pulitiko alam mo ang mga prinsipyong pinaglalaban nila. In short, bentqng bentq sayo ang kandidato ito tulad ng kaibigan mo. Darating pa sa punto na naikwekwento ko siya sa kapwa mo botante. Ganun din yan sa mga friends mo, tuwang tuwa ka kaya nakwekwento mo siya.

Meron din mga kandidatong di mo kilala pero alam mong tumatakbo sila. May ilan na magreresearch tungkol saknila, meron din naman dedma nalang. Pag di kilala, di na bibigyan panahon upang makilala. Parang sa kaibigan, andyan lang tong mga taong ito pero di naten nabibigyan ng pagkakataon na makilala naten ng lubos.

Tulad din ng ilang pultiko, may mga kaibigan na akala mo ay lubos mo nang kilala pero may pagkakataon magbabago ang tingin mo skanila. Yung bang malulungkot ka dahil sa pagkakaalam mo ay kilalang kilala mo sila ngunit nagkamali ka pala. So sa susunod na eleksyon, malamang ndi mo na siya iboboto dahil sa nalaman mo.

Meron din naman mga kaibigan tulad ng pulitiko na mapanlinlang. Mabulaklak kung magsalita, mahusay sa harap ng camera, mapagkalinga sa kababayan ngunit lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Kasi sa huli ndi naman genuine concern ang ipinapakita kundi lahat ay may motibong pansarili lamang. Maraming ganyan mapapulitiko man o kaibigan.

Pero sa kabila nang ito tulad ng ilang pulitiko, meron din naman na mga kaibigan na totoo. Sasabihin saiyo ang ayae mong marinig nang may tunay na pagpapahalaga sa iyong nararamdaman. Kaibigan na ndi mo na kailangan sabihin pa ang kailangan mo o kung anu ang nararapat dahil alam na nya iykn. Kaibigan na buong buo ang pagaalala sa kapakanan mo.

Kaya naman ang pagkakaibigan tulad ng pagboto, choose wisely. May pangmatagalan kasi itong epekto sa ating sarili at sa kanila bilang tao. Kasi ang pagkakaibigan, dapat tama!;)

Tuesday, March 19, 2013

ANYTHING UNDER THE SUN:Dilemma

Yung ayoko na mainis pero hindi ko maiwasan.

Ang pinakamasakit sa lahat ng ito ay ang isiping walang halaga ang pagkakaibigan ninyo sa kanya.
Hindi ko magawang isipin kung paanong ang isang kaibigan, matalino pa nga ay hindi kayang magbigay pahalaga sa iba. Hindi pa ako nakakilala ng taong kasing ramot nya. Na lahat ay dapat ayon sa kanyang ikauunlad, ikasasaya, ikadadali ng buhay.

Talaga palang, oras lamang ang makapagpapakita ng tunay na kulay ng tao. Sa katagalan ng panahon, hindi talaga kakayanin ng isang taong mabuhay sa kasinungalingan kung sino siya. Kung sino ang ibang tao para sakanya.

Tunay na malalim na ang inis ko sa taong ito. Pero wala akong magawa. Dahil sa tinuring ko siyang kaibigan. Pero nakikita ko at nararamdaman ko, malapit na ang pagtatapos ng isang huwad na pagkakaibigan na ito.

Gusto ko lang sabihin sa mundo, hindi man direkta sa kanya, na hindi ko kailanman hiniling magkaroon ng kaibigan na tulad mo. Wala ni isa man sa mga sinasabe mo ang pinaniniwalaan ko. Wala kang ginagawa na hindi ko nalalaman ang tunay na motibo.

Bawat salita sa labi mo, kasinungalingan para sa akin.
Bawat gawa mo, ay pagpapaka "plastic".

Maghihiwalay din ang landas naten. Hindi na ako makapagantay.

Friday, February 15, 2013

ANYTHING UNDER THE SUN:Tunay na Jologs

-->
Lagi kong naririnig ang jologs, at madalas ko rin naman itong gamitin. Kung babalikan ko ang unang alala ko sa salitang ito nangangahulugan ito ng pagiging baduy o wala sa uso. Hindi ko na maalala kung anung taon o kung sinuman ang nagimbento nito. Pero sa tingin ko lalo na sarili kong konteksto ay iba na ang kahulugan ng jologs.

Anu ba o sino ba talaga ang tunay na jologs?
Naglista ako ng ilan sa mga ginagawa ng mga tao na para sa akin ay “ka-jologsan”.

Jologs ang:

  1. Hindi marunong pumila ng ayos. Mga taong nagpapaka hadhad. Mga mahilig sumingit sa pila. Mapatao man o sa sasakyan. Para sa akin nagpapakita ito ng pagiging “jologs” dahil saw ala kang respeto sa mga taong matiyagang pumipila at nagaabang ng kanilang “turn”.
  2. Hindi marunong magsabi ng “Sorry”, o “Thank you”. Simple at basic courtesy lang naman iyon. Pag pinaupo ka magpasalamat, pag nakasagi ka magpaumanhin.
  3. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali. Minsan kasi halata na ang pagkakamali ayaw pa din aminin at lalong mas jologs ung..
  4. Nagtuturo ng ibang tao sa maling nagawa nila. Hindi mo na nga maamin na mali nga magtuturo ka pa ng ibang tao para sabihin na sila ang mali. Hindi naman nakakakababa ng sarili ang umamin sa pagkakamali, mas madalas nakakataas pa nga ito ng pagkatao.
  5. Ginagamit ang “feelings” ng iba para sa sariling benepisyo. Maraming pwedeng maging halimbawa ito. Pwede sa magasawa, magboyfriend, mag girlfriend, magkaibigan, o nagliligawan palang. Sa tingin ko ang paglalaro sa nararamdaman ng tao para sa sariling benepisyo ay mali. May mga tao kasi na para lang maramadaman na pogi, o maganda sila ay paglalaruan o paasahin ang isang tao may tunay na nararamdaman para sakanila.
  6. Mga bastos, laging green-minded, manyak. May mga tao kasing simpleng manyak, simpleng bastos pero sobrang nakaka offend. Ang mas jologs pa ay yung feeling nila na ang gwagwapo at gaganda nila sa tuwing humihirit sila ng mga kabastusan.
  7. Nagpapanggap na alam ang lahat. Sa English term, know-it-all. Di ko na kelangan ipaliwanag yan. Alam nyo na yan.
  8. Nagbabait baita pero madaming sinasabeng masama sa ibang tao. Okay lang naman na may nasasabi kang mal isa ibang tao. Ganun talaga minsan, kasi iba iba ang pagtingin ng tao sa bagay bagay. Pero ibang usapan yung sasabihin mo na wala kang ginagawang masama pero may mga naglalabasan na masamang bagay tungkol sayo.
  9. Walang originality. Ito ung mga taong mapa opinión, damit, gusto, o anuman ay ginagaya lang sa iba. Yung hindi makapagcontribute ng kahit na anu sa usapan tapos biglang siya pala ang nauna gumawa.
  10. Mga hindi maasahan sa pera. Magsasabe na maraming pera pero sa panahon na nainingil na eh parang gipit na gipit ang drama parati. Eto din ung malakas mangutang, malakas din maningil ng bayad pero walang mapala sa kanila.
  11. Nangunguha ng sagot. Oo na, nerd na kung nerd. Pero kahit nung asa klase man ako ayoko nung mga taong nangunguha ng sagot at sasabihin na sila ang nagisip nun. Wag ganun.
  12. Hindi nagaayos ng sarili. Kelangan ko pa bang ipaliwanag ito. Diba jologs naman talaga ang walang pakialam sa sarili at lumalabas ito sa pisikal na anyo.
  13. Nagaaway sa facebook or other social networking sites. Opinyon ko lang naman yan. Kasi kung matapang talaga eh di magharapan nalang. Mas okay pa ung sa Face to Face atleast nagrarambulan sila ng harapan.
  14. Nagpapaskil ng mga branded na bagay bagay. Ewan ko ako lang naman ito, siguro may kasamang inggit na din ito. Pero tingin ko kasi hindi naman na kelangan pa ilagay pa sa facebook kung nagshopping ka, kung anung tatak ng suot mo ngayon araw, etc. Tingin ko kasi may pinapalabas lang ang mga tao sa ganun eh. Na can afford at may taste ka. Pero case to case basis pa din, meron kasi akong kilala na nilalagay nya lang ung mga binibigay sakanya para makapagpasalamat. So kung ganun siguro ang intensyon eh keri na rin.
  15. Mga insekyurang, atribida, at mapaghamong mga froglettes. Nahahalata naman ang mga ganitong pakiramdam sa sarili kaya dapat wag na natin itong itago sa mala macho, matalino, better-than-anyone-else attitude. Kundi tanggapin na bawat tao ay may kahinaan, kakulangan at meron din naman kalakasa. Focus on that rather than focus on others.

Siguro marami pang iba pero sa ngayon ito palang ang mga naiisip kong kajologsan. Maaring sumangayon o di sumangayon sa aking labinlimang puntos pero kanya kanya yan. Huwag tayong magpaka jologs at sabihin mali ang opinyón ko.

Kaya nga ba’t jologs man tayo o hindi, ang bottomline lang naman ay ayusin ang ugali para sa ikasasaya ng buhay ng lahat.


ANYTHING UNDER THE SUN:Espesyal

sana ako nalang..

ang ice cream sa halo halo
ang itlog na pula sa puto
ang keso sa spaghetti
ang cherry sa ice cream
ang whipped cream sakape
ang chocolate syrup sa parfait
ang saging sa banana split 


ang kandila sa birthday cake
ang red carpet sa awards night
ang medal sa graduation
ang star sa christmas tree
ang ribbon sa regalo


sana ako nalang.. para special.



Wednesday, October 10, 2012

ASK LOVE AND LIFE:Take two

Bakit ba nauso ang mga pelikula tungkol sa mga kabit? Parang nakakabother na dahil sunod sunod na. wala akong hilig manuod ng mga pelikula sa ganung tema, marahil kasi napagdaanan ko un kaya mejo sensitive ako sa mga istoryang ganun.

Nagsimula sa love story, no other woman, the mistress at ngaun nga ang bagong ilalabas na a secret affair.

Ndi ako KJ sa ganyang usapan. Ndi din ako naive dahil alam kong totoo namang nangyayare sa tunay na buhay un. Nababagabg lang ako na trending na ang topic. Na normal na lang siya, kumbaga nadedesensitize na ang mga tao sa kabit. Na kailangan mong ipaglaban ng literal ang pagmamahalk sa tao laban sa isa pang nagmamahal saknya. Idealistic nga siguro ako pero tingin ko walang takng deserving na gawing kabit. O pumayag magpakabit. Di ko kailanman naiintindihan ung ganun na maghahanap ka ng iba o mafafall ka sa iba habang asa relasyon ka. Marami akong spekulason o teorya kung bkt nagkakaganun. Andung insecure siya o di namana kaya ndi makuntento o takot sa commitment. Kung anuman ang dahilan, hindi nun majujustiy ang sakit na binibigay sa taong niloko.

Ndi ko mapipigilan ang media pelikula o mga libro na sumulat nito. Sigro isang hamon nalang ang magagawa ko.

Una hamon sa akin na ndi pumayag o ndi maging parte ng relasyong puno ng lokohan.

Pangalawa, sa mga taong in a relationship. Kung manlolokonlang mabuti pang mkipagbreak na. Maging matapang sabihin kung anu ang gusto, na maaaring ibang tao.

Pangatlo, sa magulang. Sana mapatnubayan mabuti ang mga kabtaan.

Pangapat, sa mga journalist, writet, director, sana ay makahanap tayo ng iba pang kwento, iba naman. Ung nakakachallenge ng utak. Yung tatak pinoy. Minsan kasi nagpapaimpluwensiya tayo masyado sa mga western o korean movies kaya nagiging ganoon din timpla ng kwento naten.

Panlima, sayo na nagbabasa nito. Huwag pumayag na maloko o manloko. Wag gawin normal ang pagtigin sa kabit o panloloko. Walang taong worth ng panloloko.

Okay, cut. Take two!


Tuesday, June 05, 2012

ASK LOVE AND LIFE: Let the ship sail!

Hindi ito tungkol sa usapin ng barko o anumang related sa "ships". Wala naman akong alam dun. Pero nakonek ko lang ito sa isang bagay na naisip ko bigla habang nakapila sa Crocs mega sale noong isang linggo.

Natweet ko nga ito at ang sabe ko pa dun, "Huwag nang uma-anchor, let the ship sail!" (Siguro nalilito ka na kung anu ba talaga to noh?)

Eh usapang pag momove-on naman to. Naisip ko lang kasi na ang pagmove on ay proseso na pinagdadaanan ng dalawang tao. Pero madalas laging ung hiniwalayan lang ang nabibigyan ng mas madameng "exposure". Madame na nga din akong nasulat at nabasa tungkol sa kung paano makakapagmove on ang isang tao sa mahal nila.

Pero ung pag momove on eh kelangan din maintindihan ng nakipaghiwalay o nakipagfriendzone. (kasama un eh. refer to my previous post.) Bakit? Kasi ang badtrip sa proseso ng pagmomove on eh ung andun ka na biglang susulpot ulit ung taong un. Magpaparamdam ulit kung kelan nakikita mo na ung pag galaw ng "bangka" mo. So dahil asa process of moving on ka pa, eh agad agad ka namang mapapahinto. Un ang tinatawag kong pag-aanchor. Ito ung sitwasyon na magpaparamdam ulit sayo ung tao. Magpapakasweet or mangungulit o anuman para bumalik sa buhay mo. Minsan magtetext lang ng "kamusta? okay ka ba?" etc. na parang biglang concern na siya sa well being mo after dumping you. So ikaw naman si gaga/gago na magrereply agad kasi kinamusta ka nya. Andun na tayo syempre may feelings ka pa kaya ndi kita masisisi kung un ang gagawin mo.

Kaya nga ba't kung anchor ka, in tagalog daw ANGKLA, eh tingin ko tigilan mo na yan. Make up your mind. Pag sinabe mong ayaw mo, stick to it. Hindi ung pag nakaramdam ka na na yung tao eh nakakapagmove on na sayo eh saka ka naman babalik at magpapacute ulit sakanya. O ndi naman pag kelangan mong ifeed ang ego mo eh babalikan mo ung tao (without offering any relationship) para lang masabe na pogi/maganda ka. Huwag ka din magtext o mangamusta kung anu nang nangyayare saknya, kasi kung ndi ka ba naman talaga sadista malamang ndi pa siya okay (lalo na't bago palang). Makikipagbreak ka tapos tatanungin mo kung kamusta?!

Ganun din naman kung makarating sayo ung balitang may natitipuhan na siya. Huwag kang magfeeling na forever ang feelings sayo ng tao. Hindi lang ikaw ang pwede nyang gawing DYOSA o ADONIS. Maraming tao sa mundo maliban sayo. At higit sa lahat ang feelings eh nakakalimutan o sabihin na nateng nagbabago. Kung ndi mo magets ung realidad na yun eh kelangan mong may sumampal sayo at sabihin na nakapagmove on na nga ung tao sayo.

Ang ibig ko lang naman sabihin eh wag kang mang-angkla ng taong may gusto sayo just to fulfill your personal satisfaction like sexual, ego or pride. Napaka-unfair to still expect the person to be under your spell without wanting to be in a relationship with them. Im sure kaya naman nakipagbreak o nasa friend zone ung taong un dahil wala ka talagang nararamdaman para sakanya. Kung ganun lang din hayaan mo ung tao na makahanap ng kapareha ng puso nya. Kung sa proseso eh ikaw ang maiwan magisa, tanggapin mo yun kasi un ang desisyon mo.

So, let the ship sail!:P